Kilalang Mga Post

Kilalang Mga Post

Miyerkules, Mayo 9, 2012

Pasasalamat!






Muli akong nakabalik sa isang simbahan na lubos kong pinag-kakautangan ng loob at nagpapakita ng aking pananampalataya bilang isang Kristiyano. Salamat na lang sa aking kaibigang guro dahil nagpaunlak siya na sumama ako sa kanya, noon pa ma'y ninanais kong bumalik sa simbahang iyon na may layuning magpasalamat sa lahat ng magagandang biyayang ipinagkaloob niya sa akin sa nakalipas na taon.

Natatandaan ko pa ang unang hiling na ibingay Niya sa akin ay ang pagkakapasa ko sa board exam kasama ko pa ang buong pamilya. Sumunod ay biniyayaan naman Niya ako ng pagkakataong makapagturo sa pampublikong paaralan. At ang huli ay ang pagiging regular o permanenteng guro sa aking paaralang pinagtuturuan.

Sa muli kong pagpunta sa simbahang iyon ay di ko maiwasang magmasid sa paligid, marami pa rin talaga ang nananalig sa Kanya dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga tao mula sa ibat ibang lugar. Salamat muli sa aking kaibigan dahil may mga bago akong natutunan mula sa kanya na ngayon ko lng din nalaman at ginawa, noon kase dahil sa dami ng tao di ko nagagawang magtirik ng kandila pero dahil sa kanya napuntahan ko ang iba pang bahagi ng simbahan at isa na rito ang iba pang pagtititrkan ng mga kandila, natuwa ako dahil ito ay libre di tulad ng ibang simbahan na aking napuntahan.

Marami akong mga bagay na nararapat na ipagpasalamat sa kanya bukod sa mga hiling na naibigay Nya at patuloy na ibinibigay Niya at ang pinakamahalaga rito ay ang patuloy na pagbibigay sa sanlibutan na tinatawag na PAG-ASA.....

Kaya naman sa kabila ng isang balitang nakakabahala muli ko Syang naalala at ang naibulong ko sa sarili "di Niya ito pahihintulutan wag mawalan ng Pag-asa...."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento