Samu't saring pakiramdam ang nangyari sa araw na ito. Sinimulan ng pagkaexcited at pagalala dahil pinag-iisipan ko kung san ba kami pupunta, may nag-ayang makipamiesta sa Bulacan na isang kaguruan sa dati kong paaralan na pinagturuan.ngunit nag-aalangan ako dahil di ko alam kung sino-sino ang kasama at baka maOP lang kami ng asawa ko at nag-aalala din sya dahil sa panay na pag-ulan. Kaya bumangon ako ng maaga upang maggayak lalo pat nakita ko ang aking asawa na nagliligpit ng damit na nilabhan namin.Dali dali kong hinugasan ang gamit ng aking anak at naligo na rin kami pagkatapos. Ang pagkaexcited ay napalitan ng pagkainis dahil imbes na paggayak upang umalis ang iniintindi ng asawa ko ay paghahanda ng almires ang inaatupag nito, eto na naman sila lagi na lang nila nakikita ang aking asawa Diyos ko sana huwag maubusan ng pasensya ang aking asawa sa kanila. Nag-init agad ang ulo ko kaya kung ano ano na lang nasabi ko sa kanya buti na lang mas mahaba talaga ang pasensya nya kesa sakin, kumalma ako kaya nagpatuloy na lang ako sa paggayak.
Kaunti pa lang ang mga taong patungo sa lugar na iyon, natuloy ang pagpunta namin ng Trinoma, kumain muna kami sa KFC dahil nakahiligan namin ang Krusher halo-halo dahil sa tunay na lasa ng mga lahok ng halo halo. Napansin namin ang dagsa ng tao sa activity area ng lugar at may programa pala para sa mga Ina. Inusisa ko ito kaya nakipila ako, kailangan mo lang palang bumili ng working mom magazine na nagkakahalaga ng 120 at ang kapalit nito ang isang bag ng give aways mula sa kanilang mga sponsor at libre ka pang makakapasok ng activity area na kung saan naandun ang mga booth ng kanilang mga sponsor na nagbibigay ng libreng sample gift o kaya'y serbisyo. Ang tuwa ay napalitan ng pagkairita at lungkot dahil napansin kong nakasimangot na ang aking asawa, ang mga lalaki nga naman ayaw nila ng pinaghihintay buti na lang may lugar na pwedeng pagtambayan sa loob kaya niyaya ko silang pumasok sa loob at pinaupo ko na lang sila dun at ako na lang ang umikot sa mga booth sa lugar na iyon. Natuwa naman ako dahil marami silang pinamimigay sineryoso ko ang ponds kase isa sa nais kong maimprove sa aking sarili ay ang mukha ko kaya kung kaya ng budget bibilhin ko yun. Pagkatapos nun naghanap na kami ng mabibiling gamit ko sa skul kaya lang dahil sa pagod di na kami masyadong nakapagikot kaya di na ko nakabili. Naghanap na lang kami ng mapagpapahingahan sa garden sana kaya lang kakatapos lang ng ulan kaya mainit ang singaw at hangin kaya pumasok uli kami sa loob at nakita namin ang nagtitinda ng mga videos ng disney cartoons at pag bumili ka pala makakapasok ka sa actvity area nila at nagustuhan ko agad dahil alam kong malilibang anak ko dito at makakapagpahinga pa ang napapagod naming mga paa. Nalibang naman si waqui ang anak at nalibang din naman kami dahil may mga libreng inumin. Binalak pa sana naming pumunta ng SM North upang makabili ng gamit namin kaya lang di na talaga kaya lalo pat panay na ang pakarga ni Waqui. Dumeretso na lang kami ng uwi at ito ang unang pagkakataon na wala kaming uwing pasalubong dahil talaga sa pagod. Nakasakay namin ang kapitbahay na kinaiinisan naming mag-asawa sorI Lord pero ewan ko talaga.naiinis kami sa kanya.
Pag-uwi namin ganun uling pangyayari pagkainis uli dahil sa araw araw na ginawa nila hindi ng Diyos dahil isang pagkakamali na laging banggitin ang pangalan niya sa walang kabuluhang bagay. So balik tayo sa kwento ko, naiinis din naman ako sa sarili ko kase minsan o napapadalas na nakakapagbitaw ako ng di magagandang salita sa aking asawa kase sya yung tipo ng taong di mahilig maglambing kagaya ng matatamis na salita. Kaya kahit di niya ko binati ng happy mothers day sa ibang bagay naman siya bumabawi. Kaya salamat Lord!
Now I know nakakatuwa pa lang makijoin sa mga activity ng mga mall bukod sa pampahaba ng oras, nakakalibang at pag pagod ka na may libre kang tambayan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento