Kilalang Mga Post

Kilalang Mga Post

Linggo, Mayo 13, 2012

Araw ng mga Ina





Samu't saring pakiramdam ang nangyari sa araw na ito. Sinimulan ng pagkaexcited at pagalala dahil pinag-iisipan ko kung san ba kami pupunta, may nag-ayang makipamiesta sa Bulacan na isang kaguruan sa dati kong paaralan na pinagturuan.ngunit nag-aalangan ako dahil di ko alam kung sino-sino ang kasama at baka maOP lang kami ng asawa ko at nag-aalala din sya dahil sa panay na pag-ulan. Kaya bumangon ako ng maaga upang maggayak lalo pat nakita ko ang aking asawa na nagliligpit ng damit na nilabhan namin.Dali dali kong hinugasan ang gamit ng aking anak at naligo na rin kami pagkatapos. Ang pagkaexcited ay napalitan ng pagkainis dahil imbes na paggayak upang umalis ang iniintindi ng asawa ko ay paghahanda ng almires ang inaatupag nito, eto na naman sila lagi na lang nila nakikita ang aking asawa Diyos ko sana huwag maubusan ng pasensya ang aking asawa sa kanila. Nag-init agad ang ulo ko kaya kung ano ano na lang nasabi ko sa kanya buti na lang mas mahaba talaga ang pasensya nya kesa sakin, kumalma ako kaya nagpatuloy na lang ako sa paggayak.

Kaunti pa lang ang mga taong patungo sa lugar na iyon, natuloy ang pagpunta namin ng Trinoma, kumain muna kami sa KFC dahil nakahiligan namin ang Krusher halo-halo dahil sa tunay na lasa ng mga lahok ng halo halo. Napansin namin ang dagsa ng tao sa activity area ng lugar at may programa pala para sa mga Ina. Inusisa ko ito kaya nakipila ako, kailangan mo lang palang bumili ng working mom magazine na nagkakahalaga ng 120 at  ang kapalit nito ang isang bag ng give aways mula sa kanilang mga sponsor at libre ka pang makakapasok ng activity area na kung saan naandun ang mga booth ng kanilang mga sponsor na nagbibigay ng libreng sample gift o kaya'y serbisyo. Ang tuwa ay napalitan ng pagkairita at lungkot dahil napansin kong nakasimangot na ang aking asawa, ang mga lalaki nga naman ayaw nila ng pinaghihintay buti na lang may lugar na pwedeng pagtambayan sa loob kaya niyaya ko silang pumasok sa loob at pinaupo ko na lang sila dun at ako na lang ang umikot sa mga booth sa lugar na iyon. Natuwa naman ako dahil marami silang pinamimigay sineryoso ko ang ponds kase isa sa nais kong maimprove sa aking sarili ay ang mukha ko kaya kung kaya ng budget bibilhin ko yun. Pagkatapos nun naghanap na kami ng mabibiling gamit ko sa skul kaya lang dahil sa pagod di na kami masyadong nakapagikot kaya di na ko nakabili. Naghanap na lang kami ng mapagpapahingahan sa garden sana kaya lang kakatapos lang ng ulan kaya mainit ang singaw at hangin kaya pumasok uli kami sa loob at nakita namin ang nagtitinda ng mga videos ng  disney cartoons at pag bumili ka pala makakapasok ka sa actvity area nila at nagustuhan ko agad dahil alam kong malilibang anak ko dito at makakapagpahinga pa ang napapagod naming mga paa. Nalibang naman  si waqui ang anak at nalibang din naman kami dahil may mga libreng inumin. Binalak pa sana naming pumunta ng SM North upang makabili ng gamit namin kaya lang di na talaga kaya lalo pat panay na ang pakarga ni Waqui. Dumeretso na lang kami ng uwi at ito ang unang pagkakataon na wala kaming uwing  pasalubong dahil talaga sa pagod. Nakasakay namin ang kapitbahay na kinaiinisan naming mag-asawa sorI Lord pero ewan ko talaga.naiinis kami sa kanya. 

Pag-uwi namin ganun uling pangyayari pagkainis uli dahil sa araw araw na ginawa nila hindi ng Diyos dahil isang pagkakamali na laging banggitin ang pangalan niya sa walang kabuluhang bagay. So balik tayo sa kwento ko, naiinis din naman ako sa sarili ko kase minsan o napapadalas na nakakapagbitaw ako ng di magagandang salita sa aking asawa kase sya yung tipo ng taong di mahilig maglambing kagaya ng matatamis na salita. Kaya kahit di niya ko binati ng happy mothers day sa ibang bagay naman siya bumabawi. Kaya salamat Lord!

Now I know nakakatuwa pa lang makijoin sa mga activity ng mga mall bukod sa pampahaba ng oras, nakakalibang at pag pagod ka na may libre kang tambayan!

Huwebes, Mayo 10, 2012

Umaasa...

Sa tuwing may mga biyayang dumarating sa amin bilang isang guro sa pampublikong paaralan hindi maialis sa aking damdamin ang mangaba at umasa. Sa kadahilanang kakapermanente ko pa lng sa aking propesyon sa gobyerno, may mga pagkakataon kasi na hindi namin natatanggap ang ilang mga biyaya na kadalasang nakukuha bilang benipisyo ng gobyerno.

Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa bagkus nabawasan pa ang aking pangamba dahil  sa sinabi ng isa kong kaibigan na binibiro lang daw ang isa naming kasabayan na napermanente sa paaralang aming pinagtuturuan.

Nawa'y di kami mabigo bukas, sapagkat may patutunguhan naman ang lahat ng iyon at magsisilbing motibasyon sa amin na maging positibo at ganado sa pagtuturo sa darating na pasukan.

Miyerkules, Mayo 9, 2012

Pasasalamat!






Muli akong nakabalik sa isang simbahan na lubos kong pinag-kakautangan ng loob at nagpapakita ng aking pananampalataya bilang isang Kristiyano. Salamat na lang sa aking kaibigang guro dahil nagpaunlak siya na sumama ako sa kanya, noon pa ma'y ninanais kong bumalik sa simbahang iyon na may layuning magpasalamat sa lahat ng magagandang biyayang ipinagkaloob niya sa akin sa nakalipas na taon.

Natatandaan ko pa ang unang hiling na ibingay Niya sa akin ay ang pagkakapasa ko sa board exam kasama ko pa ang buong pamilya. Sumunod ay biniyayaan naman Niya ako ng pagkakataong makapagturo sa pampublikong paaralan. At ang huli ay ang pagiging regular o permanenteng guro sa aking paaralang pinagtuturuan.

Sa muli kong pagpunta sa simbahang iyon ay di ko maiwasang magmasid sa paligid, marami pa rin talaga ang nananalig sa Kanya dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga tao mula sa ibat ibang lugar. Salamat muli sa aking kaibigan dahil may mga bago akong natutunan mula sa kanya na ngayon ko lng din nalaman at ginawa, noon kase dahil sa dami ng tao di ko nagagawang magtirik ng kandila pero dahil sa kanya napuntahan ko ang iba pang bahagi ng simbahan at isa na rito ang iba pang pagtititrkan ng mga kandila, natuwa ako dahil ito ay libre di tulad ng ibang simbahan na aking napuntahan.

Marami akong mga bagay na nararapat na ipagpasalamat sa kanya bukod sa mga hiling na naibigay Nya at patuloy na ibinibigay Niya at ang pinakamahalaga rito ay ang patuloy na pagbibigay sa sanlibutan na tinatawag na PAG-ASA.....

Kaya naman sa kabila ng isang balitang nakakabahala muli ko Syang naalala at ang naibulong ko sa sarili "di Niya ito pahihintulutan wag mawalan ng Pag-asa...."